Kopya ng deklarayon ng Martial Law natanggap na rin ng Senado

0

Kinumpirma ni Senate Majority Leader Tito Sotto III na natanggap na ng Senado ang proclamation number 216 mula sa Malakanyang.

Nakasaad dito ang dekalarasyon ni Pangulong Duterte ng Martial Law at suspensyon ng Writ of Habeas Corpus sa buong Mindanao…

Itinakda na rin aniya sa Lunes ang pagdaraos ng briefing sa Senado ng mga security officials sa tunay na sitwasyon sa Marawi City.

Una nang inaprubahan sa sesyon kahapon ang hirit ni Senate Minority Franklin Drilon na maipatawag ang kalihim ng Department of National Defense, National Security Adviser at mga pinuno ng AFP at PNP  para alamin ang mga batayan kung bakit kinailangang magrekomenda at magdeklara ng Martial Law.

Pagkatapos ng briefing malalaman kung kailangang magpatawag ng joint session ang Kamara at Senado.

Nagpapatawag lang aniya ng joint session kung kailangang palawigin o tuluyang ipawalang bisa ang idineklarang Martial Law ng Pangulo.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *