Korte Suprema walang hurisdiksyon sa isyu ng konstruksyon ng Torre de Manila
Walang hurisdiksyon ang Korte Suprema sa isyu ng pagpapatayo ng Torre de Manila.
Isa ito sa apat na grounds o batayan ng Supreme Court sa pagbawi sa TRO at pagbasura nito sa petisyon na inihain ng Knights of Rizal laban sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng high-rise condominium.
Batay sa ruling ng Supreme Court na isinulat ni Senior Associate Justice Antonio Carpio, iginiit nito na walang legal na katayuan ang mga petitioner na ihain ang kaso o maghabla.
Ayon pa sa Korte Suprema, walang batas na nagbabawal sa konstruksyon ng Torre de Manila.
Hindi rin anila napatunayan ng mga petitioner na sila ay magdudulot ng pinsala sa pagtatayo ng Torre de Manila.
Ang siyam na Justices na bumoto pabor sa Torre de Manila ay sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Justices Lucas Bersamin, Presbitero Velasco, Estela Perlas Bernabe, Bienvenido Reyes, Mariano Del Castillo, Marvic Leonen at Noel Tijam.
Kumontra naman sa pagbawi sa TRO at pagbasura sa kaso ay ang anim na Justices na sina Francis Jardeleza, Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Alfred Benjamin Caguioa ,Jose Mendoza at Samuel Martirez.
Ulat ni: Moira Encina