Labi ng gunman sa Resorts World isasailalimsa DNA examination ng NBI
Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na isailalim sa DNA examination ang mga labi ng gunman sa Resorts World Manila noong nakaraang Biyernes.
Sinabi ng kalihim, ito ay para maalis ang mga pagdududa sa pagkakakilanlan ng salarin na si Jessie Javier Carlos.
Kinumpirma mismo ng pamilya ni Carlos na ito nga ang lalaki na nasa CCTV footage na kuha sa insidente.
Una nang ipinagutos ni Aguirre na magsagawa ng parallel investigation para matukoy ang posibleng kriminal, sibil at administratibong pananagutan ng alinmang ahensya ng gobyerno, pati na ang may-ari at opisyal ng Resorts World Manila.
Ang Death Investigation Division ng NBI ang naatasang manguna sa imbestigasyon.
Ulat ni: Moira Encina
