Lascanas hindi na kakasuhan ng Senado batay sa inilabas na committee report sa kaso ng DDS

0
lascanas

Hindi na kakasuhan at wala nang balak parusahan ng Senado si Retired SPO3 Arturo Lascanas kahit nagsinungaling  ito sa imbestigasyon ng Senado sa Davao Death Squad.

Ito ang nilalaman ng labinlimang pahinang committee report ng Senate Committee on Dangerous Drugs kaugnay ng isinagawang imbestigasyon sa mga kaso ng Extra Judicial Killings.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson, Chairman ng komite na ipauubaya na sa Department of Justice ang pagsasampa ng kaso at maaring gamitin ang inilabas na Committee report ng Senado.

Sa naturang committee report, sinabi ng mga Senador na gaya ni EdgarMatobato, nagsinungaling si Lascanas sa isyu ng DDS dahil sa pabago-bagong testimonya hinggil  sa mga kaso ng pagpatay bukod pa sa walang maiprisintang mga ebidensya.

Nauna nang sinabi ni Lascanas na si Pangulong Duterte ang nagtayo ng DDS at nag-utos ng mga kaso ng karumal-dumal na pagpatay noong alkalde pa ito ng Davao City.

Pero inirekomenda sa report ng Senado ang pagpapabigat sa parusa sa perjury at pag-amyenda sa rules ng Senado para mai-contempt at maparusahan agad ang mga nagsisinungaling sa mga imbestigasyon.

Binuwelatahan naman ni Lacson si Senador Antonio Trillanes matapos nitong sabihing walang basehan ang pahayag ni Lacson na sinungaling at hindi credible si Lascanas dahil isang beses lang naman itong ipinatawag sa Senado.

Pero giit ni Lacson, sapat na ang isang beses na pagdinig para sa isang testigo na malinaw na nagsisinungaling.

Naging malambot pa nga aniya ang komite dahil pinayagan nila itong maglitanya at hindi pinutol ang pagsalita nang iharap ito ni Trillanes.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *