Leomarick Trans Bus halos 33 taon nang bumibiyahe ayon sa LTFRB

0
leo

Tatlumpu’t tatlong taon na ang Leomarick Trans Bus na nahulog sa bangin sa Carranglan, Nueva Ecija na ikinasawi ng 34 katao.

Ito ang kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board .

Sinabi ni LTFRB board member at Spokesperson Aileen Lizada,  nasa tatlong  dekada na umano ang nasabing bus.

Batay  sa impormasyon na nakuha ngLTFRB sa Isuzu Philippines ang manufacturing date ng engine ng nasabing bus ay noon pang 1984.

Una nang napaulat na 33 pasahero ang nasawi sa nasabing trahedya pero umakyat na ito sa 34.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *