Leptospirosis nakamamatay lalo kapag napabayaan – DOH
Nagpaalala ang Department Of Health (DOH) na nakamamatay ang leptospirosis lalo kung ito ay napabayaan.
Ayon sa DOH, umaksiyon agad lalo na kung lumusong kayo sa baha. Kaya payo ng ahensiya, dapat maghugas agad ng katawan kapag lumusong sa baha. Pakiramdaman ang sarili para sa anumang sintomas.Kung walang sintomas, kumonsulta pa rin sa mga doktor kung lumusong sa baha.
Higit sa lahat uminom lamang ng gamot laban sa leptospirosis base sa reseta ng doctor.
Ginawa ng DOH ang pahayag dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng leptospirosis sa bansa matapos ang pananalasa ng sunod-sunod na kalamidad.