‘light truck ban’ sa EDSA at Shaw Boulevard, pinalawig hanggang Sept. 15
Pinalawig pa hanggang September 15 ang pagbabawal sa pagdaan ng mga light truck sa kahabaan ng EDSA at Shaw Blvd.
Sa ilalim ng regulasyon ng Metro Manila Council ipagbabawal pa rin ang pagdaan ng mga truck na may gross capacity weight na 4,500 kilograms sa kahabaan ng EDSA at Shaw mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.
Sa hapon naman bawal pa rin ang mga naturang truck mula alas 5:00 hanggang alas 10:00 ng gabi.
Ayon kay Cris Saruca ng MMC Secretariat, lumitaw na naging epektibo sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko ang ‘light truck ban’ sa naturang lugar nitong nakalipas na mga buwan.
