5 patay sa shooting incident sa Manhattan

0

Police officers gather during a reported active shooter situation in the Manhattan borough of New York City, US July 28, 2025. REUTERS/Jeenah Moon

Lima katao ang namatay kabilang ang isang pulis at ang mismong gunman, sa shooting incident sa loob ng isang Midtown Manhattan skyscraper na kinaroroonan ng NFL headquarters at mga tanggapan ng ilang financial firms, kabilang ang Blackstone.

Hindi agad idinetalye ng pulisya sa publiko ang nangyaring pamamaril, ngunit sinabi ng source sa Reuters na isa sa apat na biktimang kumpirmadong namatay ay isang New York Police Department officer na ka-off duty. Ang tatlong iba pang mga biktima na nabaril at namatay ay pawang mga sibilyan.

Ayon naman sa ulat ng iba pang media outlets, ang napatay na NYPD officer ay naka-duty bilang security detail sa nasabing building nang mangyari ang insidente.

Sinabi naman ni New York Mayor Eric Adams sa isang video message, na maraming nasaktan sa nasabing pamamaril.

Sa ulat ng New York Post newspaper, banggit ang sources ng pulisya, ang  gunman na nakasuot ng isang bullet-resistant vest at may bitbit na isang AR-style rifle, ay nagpaputok sa loob ng Park Avenue skyscraper, na ikinamatay ng apat katao kabilang ang NYPD officer, bago nagpakamatay.

Ayon pa sa New York Postm anim na iba pa ang nasaktan.

Batay sa ilang news outlets, gaya ng CNN, New York Post at NBC News, ang suspek ay isang bente siete anyos na lalaking taga Las Vegas.

Lumitaw sa paunang pagsisiyasat tungkol sa suspek, na wala itong criminal history.

Wala ring binanggit ang mga awtoridad tungkol sa posibleng motibo ng pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *