Limang traffic enforcers ng Maynila, sinibak matapos magpositibo sa paggamit ng illegal na droga
Sinibak sa puwesto ang limang traffic enforcer ng lungsod ng Maynila makaraang magpositibo sa paggamit ng iligal na droga.
Tinukoy ang mga pinatalsik na miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau na sina Rommel Santos, Randy Luangco, Marcelo Tinao, John Lennon Dalisay at Enrico Dalisay.
Sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada, nabatid na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang lima matapos ang surprise drug test noong april 24 sa 240 traffic enforcers ng lungsod.
Sa confirmatory test ng DOH ay napatunayan na positibo sa droga ang lima.
Ulat ni : Moira Encina