Listahan ng mga unibersidad at kolehiyo na pinayagan ng CHED na magpatupad ng tuition fee hike, ilalabas sa susunod na linggo

0
ched

Ilalabas na ng Commission on Higher Education sa susunod na linggo ang listahan ng mga kolehiyo at unibersidad na pinayagan nilang magtaas ng matrikula para sa school year 2017-2018.

Sinabi ng CHED na mas kaunti ang bilang ng mga paaralang  pinayagan nilang magtaas ng matrikula sa darating na pasukan kumpara noong isang taon.

Habang inihahanda ng CHED ang listahan,  tiniyak ng ahensiya sa publiko  na sinunod sa approval ng tuition hike  applications  ng ilang paaralan ang tinatawag na “education deflator “ formula.

Sinusukat  sa education deflator formula ang average cost sa pagbibigay ng  education services,  base sa regional inflation rate.

Noong isang taon,  inaprubahan ng CHED ang  tuition hike applications ng 304  sa 1, 659 na  kolehiyo at unibersidad sa bansa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *