LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo sa susunod na 24 oras
c/o DOST-PAGASA
Malaki ang tsansa na mabuo bilang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa latest forecast ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa 1,225 km. East-Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Kapag pumasok na ng PAR ay papangalanan itong “Fabian”.
Ayon sa PAGASA, panandalian lamang itong papasok sa PAR at lalabas din agad patungong Hilagang-Silangan, papalayo sa Area of Responsibility.
Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.
TL