LRT, tumirik kaninang umaga

0
mrt-and-lrt-fare-hikes-dotc-prom

Nadiskaril ang operasyon ng light rail transit kaninang umaga dahil sa
isang pasahero.

Ayon kay Engineer Rod Olario, operations head ng LRT line 1, paalis na
sana sa 5th avenue station ang tren pasado alas diez kaninang umaga
pero isang pasahero ang pumindot sa emergency stop.

Pinagana nito ang emergency door para maantay ang isang kasamahan nitong naiwan.

Dahil dito, hindi na umandar at nagluko na ang tren dahilan kaya
pinababa ang lahat ng pasahero at itinulak na lang ang nadiskaril na
tren sa center track.

Inaalam na ng mga opisyal ng LRT ang pagkakakilanlan sa pasahero na
maaring maharap sa kaso.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *