LTFRB at LTO, magpupulong para liwanagin ang saklaw ng Anti Distracted Driving Law

0
anti1

Nakatakdang makipagpulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Land Transportation Office at iba pang concern agency para linawin ang saklaw ng bagong batas na Anti Distracted Driving Law.

Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi ni Atty Eileen Lizada, board member ng LTFRB kung tutuusin hindi lamang mga gadget ang pinagmumulan ng distraction sa mga nagmamaneho.

Inihalimbawa ni Lizada ang mga palamuti sa sasakyan at iba pang inilalagay sa mga sasakyan.

Kabilang sa mga bawal gawin habang nagmamaneho na nakapaloob sa Anti Distracted Driving Law ay ang pagtanggap ng tawag, text, paglalaro ng games, pag-iinternet, o pagbabasa ng e-books.

“What about yung mga stuff toys, kumakaway na pusa at iba pang mga nakapatong sa dashboard at yung mga dvd o cd na isn’t it distracting because its not electronic “. – Atty. Lizada

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *