Pangulong Duterte, magiging marahas sa mga pasimuno ng gulo sa Marawi City
Magiging marahas si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga grupong nagpasimula ng gulo sa Marawi City kasunod ng idineklarang martial law sa Mindanao Island.
Ito ang inihayag ng Pangulo bago mag-take off ang eroplanong sinakyan pabalik sa Pilipinas mula sa Russia.
Sinabi ng Pangulo na titiyakin niyang mananagot ang mga gumawa ng karahasan at nanggambala sa katahimikan ng nabanggit na Lungsod.
Kung ano aniya ang nakita noong panahon ng batas militar ng Marcos administration ay ganoon din ang gagawin sa mga responsable sa kaguluhan sa Mindanao.
Kasabay nito kinalma ng Pangulo ang sambayanan at huwag matakot dahil pauwi na ito ng Pilipinas para harapin ang problema sa Marawi City.
Ulat ni: Vic Somintac
