Mahabang pila, sumalubong sa mga papasok sa trabaho ngayong araw

IMG_20210823_093819_898

Mahabang pila ang bumungad sa unang araw ng mga APOR o Authorized Person Outside Residence, na maaari nang pumasok sa kanilang trabaho.

Ito’y matapos ilagay ang kabuuan ng NCR sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) nitong August 21.

Ang pila sa Bus Carousel sa Roosevelt avenue sa Muñoz, QC ay ginawa nang dalawa, subalit halos isang oras pa rin ang ipinaghintay ng mga pasahero.

Umabot sa higit 500 ang nakapilang naghihintay ng masasakyan kaninang umaga, dahil bago pa makarating ang bus sa Bus Carousel ay puno na ito sa una pa lamang pick up at drop off areas.

Nhica Danniela Lata