Mahigit 200,000 trabaho, alok ng DOLE sa Labor Day

0
dol

Umaabot sa mahigit dalawandaang libong (200,000) trabaho ang alok ng Department of Labor and Employment para sa kanilang gagawing Labor Day job fairs.

Sa mahigit 200,000 trabaho, 128,445 sa mga ito ang sa ibang bansa, animnapu’t siyam na libo at siyamnaraan apatnapu’t apat (69,944) naman ang sa pribadong kumpanya at mahigit tatlong libo (3,000) ang sa mga ahensya ng pamahalaan.

Target ng job fairs ang mga bagong graduate, mga dating overseas filipino worker at maging ang mga estudyanteng naghahanap ng trabaho ngayong bakasyon.

Sinabi ni Labor Undersecretary Joel Maglunsod na aabot din sa 1,138 employers ang makikibahagi sa Labor Day job fair na isasagawa sa 17 rehiyon sa bansa na karamihan ay sa National Capital Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *