Mahigit 6,000 aplikante natanggap kaagad sa trabaho, sa idinaos na job fair ng DOLE
Kabuuang 6,302 na aplikante ang natanggap agad sa trabaho sa isinagawang job fair ng DOLE sa Araw ng Paggawa noong Mayo 1.
Sa ulat ng Bureau of Local Employment na isinumite kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang NCR ang may pinakamaraming na- Hired-On-The-Spot na 2,498, pangalawa ang Region 10 na 827, at pangatlo ang Cordillera Administrative Region na 738.
Mahigit 48,000 na mga aplikante naman ang pumasa sa inisyal na proseso ng pagtanggap sa trabaho.
Umaabot sa 66,425 ang aplikante ang dumagsa sa nationwide job fair na isinagawa sa 54 na lugar.
Pinakamaraming bilang ng mga nagparehistrong aplikante ay sa NCR na 18,962; sumunod ang Region 7 na 10,765; at pangatlo ang Region 3 na may 7,464 job seekers.
Ulat ni: Moira Encina
