Mahigit sa 1.3 tonelada ng floating shabu na natagpuang lumulutang sa karagatan sa iba’t ibang lugar sa Luzon, ininspeksyon ng Pangulo

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang bilyun-bilyong bilyong pisong halaga ng shabu na natagpuan ng mga mangingisda na palutang-lutang sa karagatan sa Luzon.
Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot sa kabuuang 1.3 tonelada ng floating shabu na nagkakahalaga ng 8.8 Billion pesos, ang naiturn-over sa kanila nito lang Hunyo.

Pinakahuling narecover ang higit sa 60 kilo ng shabu na nakuha sa karagatan ng Sta. Praxedes, Sta. Ana, Gonzaga at Claveria, Cagayan nitong June 20, 2025.
Agad namang ipinag-utos ng pangulo ang pagsira sa mga droga upang masiguro na hindi ito na ito marerecycle gaya aniya ng ginagawa sa mga nakaraan.
Nakatakdang ibiyahe sa Tarlac ang mga droga kung saan isasailalim ito sa pagsusri bago isalang sa incinerator.

Kasamang sisirain ang 226 kilo ng iba’t iba pang uri ng droga na nagkakahalaga ng 609 million pesos, na nakumpiska naman sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations.
Ipinagmalaki rin ng pangulo na aabot na sa 62 billion pesos na halaga ng shabu ang nakumpiska nila sa nakalipas na 3 taon.

Magpapatuloy naman ang kampanya laban sa ilegal na droga sa maayos na paraan at walang dadanak na dugo.
Kasabay nito, ipinag-utos din ng pangulo ang pagpapaigting ng seguridad sa mga coastaline at maritime route sa bansa, upang mapigilan ang mga magtatangka na magpasok ng ilegal na droga sa bansa.
Mar Gabriel