Malabong magkaroon ng tsunami matapos ang 5.4 na lindol – PHIVOLCS

0
phivolcs

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na malayong magkaroon ng tsunami matapos ang naramdamang 5.4 magnitude na  pagyanig sa ilang bahagi ng Luzon dakong 10:27  kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS dahil malalim ang naitalang  pagyanig na 88 km at tectonic in origin na ang sentro  ay sa San Marcelino Zambales.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Quezon city, Pateros, Malolos-Bulacan, intensity 3 naman sa Tagatay city, Talisay Batangas, San Jose Del Monte, Bulacan, Pasay city, Makati City, Mandaluyong, Manila, Paranaque, Taguig, San Miguel Tarlac at Marilao Bulacan, intensity 2 sa Palayan City Nueva Ecija, Bacoor Cavite at San Jacinto, Pangasinan.

Naitala ng PHIVOLCS sa kanilang instrumental intensities ang intensity 4 sa Quezon city, Marikina City, Intensity 3 sa Talisay, Batangas; Palayan City, Batangas City, intensity 2 sa Magalang Pampanga at Intensity 1 sa Sinait, Ilocos Sur.

Nagbabala naman ang PHIVOLCS na asahan ang mga aftershock matapos ang nasabing pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *