Malacañang dismayado sa nangyaring rambol sa laban ng Gilas Pilipinas at Australia

0
Roque-file-photo-1-700x460

Isang bagay na dapat ipag-paumanhin ang nangyaring gulo na sumiklab sa pagitan ng Gilas Pilipinas at ng koponan ng Australia sa Philippine Arena.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagama’t ganun ang naging reaksiyon ng mga players nakikisimpatiya ang Malakanyang sa naging sentimyento ng Gilas team.

Ayon kay Roque hindi maaaring mai-justify ang naging akto ng mga manlalaro sa nangyaring rumble pero malaki sana ang naging papel din ng mga referee.

Inihayag ni Roque kung nakontrol lang sana at naging maganda ang pamamalakad NG mga referee ng posibleng napigilan at hindi humantong sa gulo ang nangyaring basketball game.

Idinagdag ni Roque hintayin na lamang ang anomang sanction ng FIBA kontra sa mga players na nadawit sa gulo bilang bahagi ng sportsmanship.

Ulat ni Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *