Malacañang itinangging may planong buwagin ang senado

Walang basehan ang akusasyon ni Senador Frnaklin Drilon na balak ng Malakanyang na buwagin ang Senado.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maging sa pagpupulong ng ruling party na PDP Laban ay hindi lumutang ang planong pagbuwag sa mataas na kapulungan ng kongreso.
Ayon kay Roque sentido kumon paano mahihimok ang mga senador sa isinusulong na Charter Change o Chacha kung nakapaloob dito ang pagbuwag sa senado.
Batay sa akusasyon ni Drilon indikasyon ang patuloy na pagbanat ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa senado na tinawag niyang mabagal na kapulungan ng kongreso.
Niliwanag ni Roque ang pagsusulong ng CHACHA ay nasa kamay ng mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng kongreso.
Ulat ni Vic Somintac