Malakanyang handang harapin ang kasong crime against humanity na isinampa laban kay Pang. Duterte sa ICC

0
icc

Nakahanda na ang Office of the Solicitor General para sagutin ang kasong crime against humanity na isinampa ni Atty. Jude Sabio sa International Criminal Court  laban kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na mayroon ng nakahandang depensa ang OSG sa kasong isinampa sa Pangulo.

Ayon kay Calida sa ngayon ay wala pang natatanggap na official communications ang Malakanyang mula sa ICC.

Inihayag ni Calida na sa sandaling magpadala na ng official communications ang ICC dadaan parin ito sa Department of Foreign Affairs.

Iginiit ni Calida na walang sapat na batayan ang kaso ni Atty. Sabio laban sa Pangulo dahil batay sa Rome Statute kinakailangang mapatunayan muna na walang ginawang aksyon ang local court hinggil sa ipinaparatang sa Pangulo na crime against humanity dahil sa all out war ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Niliwanag ni Calida na ang isyu ng umano’y extra judicial killings kaugnay ng anti drug campaign ay hindi government sanctions at napatunayan na ito sa mga isinagawang imbestigasyon ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *