Malakanyang isinisi sa pagkakasuspinde ng Operation Tokhang ang pagtaas ng krimen batay sa SWS survey

0
sws

Isinisi ng Malakanyang sa pagkakasuspinde ng Operation Tokhang at Oplan Double Barrel kaya tumaas ang bilang ng krimen sa bansa.

Ito ang lumabas sa first quarter survey result ng Social Weather Stations o SWS.

Batay sa SWS survey pumalo sa 6.3 percent ang crime rate sa bansa mula Enero hanggang Marso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sinamantala ng mga kriminal ang dalawang buwang pagkakasuspendi ng Operation Tokhang at Oplan Double Barrel.

Ayon kay Abella dahil sinuspinde noon ang Operation Tokhang at Oplan Double Barrel tumaas ang insidente ng carnapping, robbery at iba pang crime against property.

Lumabas din sa SWS survey na nawala ang momentum ng anti drug campaign dahil sa pagkakasuspendi ng Operation Tokhang at Oplan Double Barrel kaya napako sa 52 percent ang paggamit ng ilegal na droga sa bansa.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *