Malakanyang tiwalang lulusot sa Kongreso at Korte Suprema ang Martial Law Proclamation ni Pangulong Duterte
Tiwala ang Office of the Solicitor General na substantial at tatayo sa Kongreso ang mga dahilan ng pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na kaya nilang panindigan ang naging aksiyon ng Pangulo sa Kongreso at kahit dalhin pa ito sa Korte Suprema ng sino mang indibidwal.
Inihayag ni Calida na malaya ang grupo ng mga abogadong Muslim na nagbabalak kuwestiyunin at tutulan sa Korte Suprema ang idineklarang Martial Law.
Ayon kay Calida nakahanda ang Office of the Solicitor General na ipagtanggol ang naging desisyon ng Pangulo.
Kasabay nito nilinaw ni Calida na walang magiging epekto sa ongoing peace process sa Mindanao ang Martial law, partikular sa Moro Islamic Liberation Front o MILF dahil hindi naman sila sangkot sa nagaganap na rebelyon.
Ulat ni: Vic Somintac