8.8 magnitude na lindol sa Russia nagdulot ng tsunami

0

A live video camera footage showing a beach in Shirahama, Wakayama prefecture in western Japan, after people evacuated (right) following a tsunami warning, on July 30. / PHOTO: REUTERS

Nagdulot ng tsunami na hanggang apat na metro o labingtatlong talampakan ang taas, ang tumamang magnitude 8.8 na lindol sa Far Eastern Kamchatka Peninsula ng Russia, na nagresulta sa mga paglikas at pagkapinsala ng mga gusali.

Sinabi ni Kamchatka Governor Vladimir Solodov, na ang lindol ang pinakamalakas na tumama sa kanila, ngunit wala namang napaulat na injuries ngunit isang paaralan ang nasira.

A TV screen in Tokyo shows a news report on Japan’s tsunami warning after a powerful quake off Russia’s Kamchatka peninsula, on July 30. /PHOTO: REUTERS

Ayon sa U.S. Geological Survey, ang mababaw na lindol ay may lalim lamang na 19.3 km (12 miles), at ang sentro ay mga 125 km (80 miles) silangan-timog-silangan ng  Petropavlovsk-Kamchatsky, isang siyudad na nasa kahabaan ng baybayin ng Avacha Bay.

Sinabi ni sakhalin governor valery limarenko, na nagpalabas ng isang evacuation order para sa maliit na bayan ng Severo-Kurilsk, na nasa timog ng peninsula, dahil sa banta ng  tsunami.

A kindergarten damaged by the earthquake in Petropavlovsk-Kamchatsky, Kamchatka Krai, Russia, on July 30. / PHOTO: REUTERS

Ayon naman sa Kamchatka branch ng Geophysical Service ng Russian Academy of Sciences, bagama’t napakalakas ng nasabing lindol, hindi masyadong mataas ang shaking intensity nito na maaaring asahan sa ganoon kalaking magnitude, dahil sa ilang characteristics ng epicenter nito.

Samantala, naglabas ng isang tsunami alert ang Meteorological Agency ng Japan at nag-isyu rin ng isang tsunami alert ang National Weather Service para sa estado ng Hawaii, kaugnay ng nasabing lindol.

People watching the coast area from higher ground at Yotsukura beach in Iwaki, Fukushima prefecture, after Japan issued an evacuation on July 30. / PHOTO: REUTERS

Isang tsunami advisory rin ang inilabas para sa Aleutian Islands sa Alaska, at isang trunami watch naman ang inisyu para sa buong West Coast, mula sa California-Mexico border hanggang sa Chignik Bay, Alaska.

Ayon sa Meteorological Agency ng Japan, ang lindol ay unang nairehistro sa  magnitude of 8.0, ngunit kalaunan ay ginawang 8.7 ng U.S. Geological Survey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *