Malakas na buhos ng ulan dala ng habagat iiral sa buong bansa, ayon sa PAGASA

0
pagasa

Nakaranas ang Metro Manila at mga kalapit lalawigan ng malakas na buhos ng ulan dahil sa habagat na umiiral sa buong bansa.

Ayon sa PAGASA, kaninang alas 5:33 ng umaga, malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na malakas na hangin ang naranasan sa Metro Manila, mga bayan ng Obando, Marilao, San Jose del Monte at Norzagaray sa Bulacan; Batangas City at Taysan, Batangas; Imus, Cavite City at Bacoor sa Cavite; at sa ilang bahagi ng Rizal.

Ayon sa PAGASA, ang Quezon Province ay nakakaranas din ng malakas na pag-ulan.

Una nang nagtaas ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa Zambales at Bataan ,  ahil sa patuloy na buhos ng ulan.

Pinayuhan ngPAGASA ang publiko na mag-ingat sa flashfloods na maaring idulot ng pag-ulan sa mga mabababang lugar.

Sa weather forecast ng PAGASA,  umiiral pa rin ang habagat sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *