Manila DRRMO, nagsagawa ng fogging at misting operations sa mga eskuwelahan sa lungsod

0

Photo courtesy: Manila DRRM Office FB page

Sa Lunes, Hunyo 16, ay balik eskwela na ang karamihan sa mga mag-aaral, kaya  puspusan na rin ang ginagawang fogging and misting operations ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa mga eskwelahan sa lungsod.

Ayon kay Manila DRRMO Chief Arnel Angeles, “Di tayo huminto, tuloy-tuloy misting, di tayo huminto.  Ito ginagawa namin katuwang magulang, paglilinis sa eskwelahan, lalagyan at imbakan tubig para di simulan kiti kiti.”

Sabi ni Angeles, nakatutulong ito pangontra sa dengue, “mataas ang effectivity nito di kasama maynila sa may mataas na bilang.”

Sa datos ng Department of Health (DOH), nitong Mayo 24, nakapagtala ng 116,243 kaso ng dengue sa kabuuan ng bansa.

Mas mataas ito ng 62% sa 71,964 na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sabi ni Health Secretary Ted Herbosa, inaasahan talaga ang pagtaas pa ng kaso ng dengue ngayong tag ulan.

Photo courtesy: PIA

Aniya, “Tumaas tayo in the first quarter of the year, bumaba nung summer, ngayon tag- ulan this is the season for dengue tataas ulit yan.”

Kaya paalala ng DOH, magsuot ng long sleeves at pantalon at gumamit ng insect repellents.

Ugaliin ding maglinis sa loob at labas ng bahay para matanggal ang mga posibleng pangitlugan ng lamok.

Paalala ni Herbosa, “Very important people to clean up their surroundings, breeding places, taob, taktak, takip, tuyo.”

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *