Manila Mayor Isko Moreno, nagpositibo sa COVID-19

234816245_10223697245793469_8274335838151855708_n

Nagpositibo narin sa COVID- 19 si Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon sa Alkalde, sa ngayon ay nakakaranas siya ng kaunting ubo, sipon at pananakit ng katawan.

Agad namang dinala sa Sta. Ana Hospital ang alkalde.

Tiniyak naman ni Mayor Isko na tuloy parin ang operasyon ng Lokal na Pamahalaan at maging kanilang efforts para labanan ang COVID- 19.

Una rito, nagpositibo sa COVID- 19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna.

Madz Moratillo