Manila Mayor Joseph Estrada pabor na palawigin sa buong bansa ang Martial Law

0

Suportado ni dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada ang plano ni Pangulong Duterte na palawagin sa buong bansa ang deklarasyon ng Batas Militar.

Sinabi ni Estrada na ito ay kung mapapasok na rin ng Maute group ang Luzon at para masugpo ang terorismo at rebelyon.

Inihalintulad pa ni Estrada ang naging hakbang ni Duterte sa ikinasa niya noon na all -out war laban sa MILF.

Wala ring nakikitang mali si Erap kung ang layunin ng Batas Militar ay para masugpo ang terorismo, mapanumbalik ang kapayapaan at kaayusan at masugpo ang katiwalian.

Tiniyak din ni Estrada ang seguridad sa Maynila na itinuturing na seat of power ng bansa.

Nobyembre ng nakaraang taon, napigilan ng mga otoridad ang tangkang pagpapasabog ng Improvised Explosive Device ng Maute malapit sa US Embassy sa Roxas Blvd.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *