Marawi siege recruiter hinatulan ng korte na guilty sa kasong terorismo
Thousands of residents await to pass through a military check point after authorities allowed them to visit their destroyed houses at the main battle area in Marawi City, in southern island of Mindanao on April 1, 2018. After fleeing for their lives nearly a year ago, residents of the battle-scarred Philippine city of Marawi made their first visit back on April 1 to dig through the rubble that was once their homes. / AFP PHOTO / TED ALJIBE
Hinatulan ng Taguig City Regional Trial Court Branch 70 ng guilty sa kasong terorismo si Nur Sapian dahil sa pagre-recruit ng mga tao para sumali sa Marawi siege.
Sinentensyahan si Sapian ni Branch 70 Judge Felix Reyes ng hanggang 40 na taong pagkakabilanggo.
Inabswelto naman ng hukom ang mga kapwa akusado ni Sapian na sina Marvin Ahmad, Salip Ismael Abdulla at Issa Ukkang.
Samantala, hinatulan naman ng guilty ng Taguig RTC sa kasong rebelyon sina Araji Samindih at Umad Harun dahil sa kanilang partisipasyon sa bakbakan sa Marawi.
Pinatawan ng korte sina Samindih at Harun ng walong taon at dalawang araw hanggang 14 na taong at walong buwan na pagkakakulong.
Ayon kay Judge Reyes, ito ang kauna-unahang conviction sa nangyaring Marawi siege noong Mayo 2017 kung saan sinakop ng mga ISIS militants at iba pang Daesh-inspired groups ang lungsod.
Ulat ni Moira Encina