Marijuana joke ni Pangulong Duterte huwag seryosohin ayon sa Malacañang
Hindi dapat seryosohin ang marijuana joke ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na nagbibiro siya para mapatawa ang audience niya sa Malakanyang.
Ayon kay Panelo may katapatan ding magbiro ang pangulo ng bansa tulad ng ordinaryong mamamayan.
Binabatikos ng kanyang mga kritiko ang pangulo dahil sa pagbibiro sa harap ng publiko na gumagamit siya ng marijuana sa asean summit sa singapore para manatiling gising dahil sa dami ng schedule.
ulat ni Vic Somintac