MARINA administrator sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte

0
amaro

Matapos maudlot ang announcement ng Malakanyang sa opisyal na sisibakin ni Pangulong Duterte pinangalanan na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isinagawang press briefing sa Davao.

Sinabi ni Secretary Roque na ang opisyal na sinibak ng Pangulo ay si Maritme Industry Authority o MARINA Administrator Marcial Amaro III.

Ayon kay Roque naging batayan ng Pangulo sa pagsibak kay Amara ay ang malimit na pagbiyahe nito sa abroad mula ng maupo sa puwesto noong July 2016.

Batay sa ginawang inbestigasyon ng Office of the President sa reklamo mismo ng MARINA employees umabot sa 24 na biyahe sa abraod ang ginawa ni Amara.

Inihayag ni Roque mahigpit ang bilin ng Pangulo kaya nagpalabas ng memorandum order na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na bumiyahe sa abroad ng wala namang pakikinabangan ang publiko dahil ito ay malinaw na pagwawaldas lamang sa pondo ng pamahalaan.

Magugunitang naunang sinibak ng Pangulo si Presidential Commission on Urban Poor Chairman Terry Ridon dahil din sa pitong beses na pagbiyahe sa abroad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *