Marine Lt. Ferdinand Marcelino handang tumestigo laban kay Sen. de Lima sa isyu ng illegal drug trade

0

Nakahanda si Intelligence Officer ­Marine Lieutenant Ferdinand Marcelino na tumestigo laban kay dating Justice secretary at ngayon ay Senator Leila de Lima kaugnay sa kasong drugs na isinampa laban sa kanya ng Department of Justice.

Ito ang ibinulgar ni Public Attorney Chief Persida Acosta, abogado ni Marcelino.

Matatandaan na pumayag noon si Marcelino na tumestigo sa pagdinig ng kongreso kaugnay sa pagkalat ng droga sa National Bilibid Prisons.

samantala, iniutos na ng Manila Regional Trial Court ang pagpapalaya kay Marcelino matapos magpalabas si Manila RTC Branch 49 Presiding Judge Daniel Fernandez ng release order.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *