Masbate, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

128139916_3335004553275086_7742136010366365071_o

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Masbate.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig sa 11 kilometers Southeast ng Cataingan, Masbate, alas-4:23 ng umaga.

May lalim ang lindol na 4.8 kilometers.

Naitala ang Intensity III sa Masbate City

Intensity II sa Irosin at Magallanes, Sorsogon.

at Intensity I sa Naval, Biliran; Palo sa Leyte at Roxas City