Maute Group hindi pa nakakapasok sa Metro Manila, Abu Sayaff lider Isnilon Hapilon nasa Marawi pa ayon sa AFP at Malakanyang

0
marawi

Naniniwala ang Malakanyang at ang Armed Forces of the Philippines na wala pang miyembro ng teroristang Maute group ang nakapasok sa Metro Manila para maghasik ng karahasan.

Sa inilunsad na Mindanao hour sa Malakanyang sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na wala silang natatanggap na intelligence report na nakapasok na sa Metro Manila ang Maute group.

Ayon kay Padilla walang katotohanan ang mga report sa social media na kontraldo pa ng Maute group ang kalahati ng siyudad ng Marawi.

Inihayag ni Padilla na ilang lugar na lamang ang inuokupahan ng Maute group na siya ngayong pinagtutunan ng military operation ng surgical air strike upang tuluyang mabawi ang Marawi at maibalik sa civilan authority ang pamamahala.

Samantala pinaniniwalaan din ng AFP at Malakanyang na hindi pa nakakalabas ng Marawi City si Abu Sayaff Lider Isnilon Hapilon na siyang pinagmulan ng bakbakan ng militar at Maute group.

Nasa ikaanim na araw na ngayon ang implementasyon ng Martial Law sa buong Mindanao dulot ng Marawi City seige ng Maute group.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *