Maute group, protektado ng mga drug lord – PNP Chief
Ibinunyag ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na pinoprotektahan ng mga drug lord ang Maute group.
Ayon kay dela Rosa, noong nakaraang taon pa, nakatangap sila ng impormasyon na ang mga drug lord sa Metro Manila, Luzon at Visayas ay magkakaroon ng drug summit sa Marawi.
Suportado rin ni dela Rosa ang pahayag ni Pangulong Duterte na illegal drug money ang ginagamit para masuportahan ang Maute group.
Sinab ipa ni Dela Rosa na may ugnayan at magkakaibigan ang Maute at mga NARCO Politician dahil sila ang target ng mga operasyon sa idineklarang Martial Law.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo