Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija, patay sa pananambang

0
th

Patay si General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote matapos tambangan ang kaniyang Sports Utility Vehicle sa Cabanatuan City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police , kaninang 5:30 ng hapon nangyari ang pananambang kung saan galing umano ang alkalde sa tanggapan ng National Irrigation Administration sa Cabanatuan City.

Paglabas ng alkalde sa gate ng NIA ay agad itong pinaulanan ng bala sa loob mismo ng kaniyang sasakyan.

Naisugod pa sa hospital ang nasabing mayor subalit idineklara na itong dead on arrival.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP .

Ang pagpatay kay Mayor Bote ay naganap isang araw matapos patayin si Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili habang nasa kalagitnaan ng flag raising ceremony.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *