Mayor ng Marawi City nanawagan sa militar na iwasang bombahin ang siyudad
Nanawagan ang alkalde ng Marawi City sa militar na huwag magsagawa ng aerial bombardment para maiwasan ang collateral damage sa nagpapatuloy nilang operasyon laban sa Maute Group sa siyudad.
Sinabi ni Marawi Mayor Majul Gandamra kasalukuyan na siyang nakikipag-ugnayan sa pulisya at militar para masiguro na walang madadamay na inosenteng sibilyan sa bakbakan.
Ayon sa Alkalde sa ngayon ay maliit na lamang ang tiyansa ng pagpapatupad ng aerial bombardment dahil natigil na rin ang putukan doon.
Bagaman kalmado ang sitwasyon pinayuhan naman ng Mayor ang mga sibilyan na huwag lumabas sa lansangan habang tinutugis ng militar ang nasabing grupo.
Ayon kay Gandamra nasa 100 miyembro ng Maute at Abu Sayaff group ang kumubkob sa Marawi na mayroong 96 na Barangay.
Kaugnay nito hindi pa rin umaalis ang Alkalde sa City Hall para mapigilan ang grupo na makontrol ang lugar.
