Medical mission isinagawa sa Alaminos Pangasinan, libu-libong mamamayan nakinabang

0
dow

Libu-libong residente sa Alaminos, Pangasinan ang napagkalooban  ng serbisyong medikal sa isinagawang medical mission.

Ito ay sa pamamagitan ng programang Doctors on Wheels o D.O.W ng isang kilalang 2.5 star hotel at ito ang kanilang Corporate Social Responsibility Program.

Ang D.OW. ay isang mobile medical bus na naglalaman ng apat na kama na ginagamit sa pag-eeksamin ng mga pasyente, sampung exmining chairs, medical examinatin lights at iba pang ginagamit para sa medical mission.

Kasama sa  D.O.W ang  mga volunteer Doctors, nurses, social workers, pharmacists, staffs, at personnel ng nasabing hotel.

Tumanggap ng libreng eye check up, medical consultation, blood pressure monitoring ang mga pamilya sa nasabing lalawigan.

Ang medical mission ay joint effort rin ng grupo ng mga mamamahayag na tinawag na Philippine Science Journalist, Mega Manila, ang Philippine Association of Publishers Incorporated o PAPI, Government,  NGO’s at LGU’s ng Alaminos, Pangasinan.

Ulat ni: Anabelle Surara

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *