Mega job fair sa lungsod ng Caloocan dinumog ng mga aplikante  

0

Dinumog ng daan-daang aplikante ang isanagawang mega job fair sa lungsod ng Caloocan ngayong araw, Pebrero 24, 2026.

Alas-9:30 ng umaga nang pormal na simulan ang naturang programa na pinangunahan ni Gng. Violeta Gonzales, PESO Manager ng Public Employment Service Department.

Nilahukan ito ng 76 kumpanya na nag-alok ng 912 job opportunity, kabilang na ang mga trabaho sa ibang bansa.

Hindi lamang  mga residente ng Caloocan ang nabigyan ng magandang opportunidad, kundi maging ang mga karatig  lungsod nito.

Ang naturang mega job fair ay pinangunahan ng tanggapan ng Public Employment Service Department  sa pakikipagtulungan ng Department Of Labor and Employment.

Kaalinsabay na rin ng naturang aktibidad ang tinatawag na one stop shop ng  SSS, PHILHEALTH, PSA at ng DMW.

Samantala agad namang pinalad ang ilang aplikante na ma-hire on the spot, kaya makapagsisimula na sila agad sa inaplayang trabaho.

Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga kababayan nating  walang sapat na hanapbuhay at magkaroon ng maayos at permanenteng pagkakakitaan.

Manny De luna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *