Mga accident prone area sa buong bansa pinatutukoy na ng Senado sa DPWH

0
manny2

Sinimulan nang busisiin ng Senate Committee on Public Works ang nangyaring pagkahulog ng isang pampasaherong bus sa Caranggalan Nueva Ecija na ikinamatay ng tatlumput dalawang pasahero.

Sa pagdinig, inatasan ni Senador Manny Pacquiao. Chairman ng komite ang lahat ng regional director ng Department of Public Works and Highways na magsumite ng listahan ng mga daanan ng mga sasakyan na delikado at may bangin o na-identify na accident prone areas.

Ayon kay Pacquiao, batay sa kaniyang pag-iikot maraming lugar sa bansa na madalas dinadaanan ng mga motorista ang delikado , walang sapat na barriers at walang road signs.

Isa sa tinukoy nito ang Caranggalan kung saan umaabot na pala sa apat hanggang limang aksidente ang nangyari pero paulit ulit na nagaganap ang aksidente dahil walang sapat na aksyon ang lokal na pamahalaan.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *