Mga akusado sa pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo, nadagdagan pa
Nadagdagan pa ang mga akusado sa pagdukot at pagpatay sa koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Ito ay matapos na kasuhan ng DOJ sa Angeles City, Pampanga Regional Trial Court si Superintendent Rafael Dumlao at iba pa kaugnay sa Jee Ick Joo case matapos ang isinagawa nitong reinvestigation sa kaso.
Sa inamyendahang kaso na inihain ng DOJ sa angeles city rtc branch 58,
kasong kidnapping for ransom with homicide ang isinampa laban kay dumlao bilang principal sa krimen.
Bukod kay Dumlao, ipinagharap din ng kaparehong kaso ang dating runner ng nbi si jerry omlang bilang principal din sa krimen at ang may-ari ng gream funeral homes na si gerardo santiago bilang accessory.
Pinagtibay naman ng DOJ ang nauna nitong resolusyon at kasong isinampa laban kina SPO3 Ricky Sta. Isabel at SPO4 Roy Villegas na Kidnapping for Ransom with Homicide.
Pero Inabswelto ng DOJ sa kasong kidnapping for ransom with homicide ang dating akusado na si Ramon Yalung.
Sinampahan din ng kasong carnapping sina Sta Isabel, Dumlao, Omlang at Villegas dahil sa pagtangay sa Ford Explorer na gamit na sasakyan ni Jee.
Ipinagharap din ng kasong kidnapping at serious illegal detention sina Sta Isabel, Dumlao, Omlang at Villegas dahil sa pagtangay sa kasambahay ni Jee na si Marisa Dawis Morquicho.
Una nang itinakda ng Angeles RTC ang pagbasa ng sakdal sa mga akusado bukas, April 19.
Ulat ni: Moira Encina