Mga bagong guro na magtuturo ngayong Hunyo, nadagdagan ng 40,000 – DEPED

0
deped

Aabot sa 40,000 na mga bagong guro ang magtuturo ngayong pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Ayon kay Department of Education Undersecretary Jesus Mateo,a ang naturang bilang ay bukod pa sa 53,831 na guro na magtuturo mula kinder hanggang Grade 12.

Dagdag pa nito na tumaas ang pangangailangan para sa public school teachers dahil sa ipinatupad na K-12 program.

Karamihan sa bilang nito ay magtuturo sa senior high school para mapunan ang dumaraming bilang ng mga mag-aaral na nagpa-enroll sa naturang programa.

Kasulukuyang nagsasagawa na sila ng selection process para pagdating ng Hunyo ay sumailalim na ang mga bagong guro sa teacher induction program at sila ay handa ng magturo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *