Mga barkong nastranded dahil sa bagyong Agaton, pinayagan nang bumiyahe ng PCG
Pinayagan nang makabyabe ng Philippine Coast Guard ang mga barkong nastranded matapos lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Agaton.
ito ang kinumpirma ni PCG Spokesman Captain Armand Balilo matapos ding alisin ng PAGASA ang storm signal na itinaas nito sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.
Samantala, dagsa pa rin ang mga pasahero sa ibat ibang mga pantalan sa buong bansa.
Sa pinakahuling monitoring ng pcg, kabuuang 55,051 ang bilang ng mga outbound passenger.
Pinakamarami sa mga naitalang pasahero ay sa Western Visayas na may 15,814; Northern Mindanao, 9,987 at Central Visayas, 8,151.
Sa Eastern Visayas naman ay may 7,090 habang sa Southern Tagalog, ag 6,519; Bicol, 4,215; at National Capital Region 1,847 outbound passengers.
Ulat ni