Mga commissioner ng ERC pinagbibitiw sa pwesto

0
erc

Hinamon ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang lahat ng commissioners  ng Energy Regulatory Commission na magbitiw sa pwesto kasunod ng mga akusasyon ng graft and corruption sa ahensya.

Ayon kay Zarate, senior member ng House Committee on Energy, lumutang ang kontrobersiya sa mga anomalya saERC kasunod ng pagsuicide ni  ERC Director Francisco Villa Jr. dahil umano sa matinding pressure sa trabaho.

Ang isa rin aniya sa pinakakontrobersyal sa mga kontratang pinasok ng ERC ay ang  midnight deal para sa pitong power supply agreements ng MERALCO-affiliated power generation companies na magbibigay ng malaking benepisyo saMERALCO.

Dahil din sa pagpapalawig sa bidding sa PSA ay mas mapupwersa ngayon ang consumers na matali sa MERALCO.

Giit ni  Zarate masisiguro lang na magiging patas ang imbestigasyon sa lahat ng iregularidad ng ERC kung lahat ng nakaupong commissioners nito ay boluntryong magbibitiw.

Matatandaang ang mismong chairman ng ERC na si Jose Vicente Salazar ay nahaharap sa kaso ng korapsyon at siya umanong nagtulak kay Villa para magsuicide.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *