Mga elder ng Aegis Juris fraternity liable din sa kasong pagpatay kay Hiracio Atio Castillo- Sen. Escudero

0
th

Maaring managot sa batas at kasuhan ng accesory sa kasong murder ang mga elders o mga pinuno ng Aegis Juris fraternity na tumulong para itago ang krimen at mga suspek sa pagpatay sa hazing victim na si Horacio Atio Castillo III.

Ayon kay Senador Francis Escudero na isa ring abugado, maaring kasuhan ang mga lider ng fraternity kasama na si Dean Divina ng UST Civil Law.

Hindi kumbinsido si Escudero na walang alam si Divina sa mga miyembro na nagsagawa ng hazing.

Malinaw na aniya sa mga ebidensya na nagkampihan ang mga lider at miyembro ng Aegis Juris para itago ang ginawang pagpatay kay Castillo.

Bukod sa accesory sa kasong murder, maari rin silang ipa disbar dahil sa paglabag sa moral turpitude o pagdungi sa propesyon ng pagiging abugado.

Maari aniyang gamiting basehan sa kaso ang inilabas na group chat ng PNP kung saan maliwanag na ang layunin ay itago ang pagpatay at aregluhin ang pamilya Castillo.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *