Mga kasuotang gagamitin ng ASEAN leaders handa na ayon sa Malakanyang
Gawa ng sikat na designer na si Rajo Laurel ang isusuot na barong tagalog ng ASEAN leaders na dadalo sa ASEAN summit.
Ayon kay Palace Social Secretary Annalyn Tolentino hindi na muna ipakikita sa publiko ang barong tagalog dahil sa kailangan munang ipakita sa ASEAN leaders.
Sisentro sa Cultural diversity at commonality ang production message sa ASEAN gala dinner na gaganapin sa Sabado sa Sofitel Hotel sa Pasay City.
Bibigyan din ng token ang ASEAN Heads of State ng Philippine Mahogany Wood Tray with Brass Etching na may motif na Singkil or Sayaw sa Kasingkil na kilalang folk dance ng mga Maranao.
Ang kasuotan naman ng mga asawa ng mga ASEAN leaders ay gawa ni Rhett Eala na siya ring gumawa gown na sinuot ni Binibining Pilipinas Universe Maxine Medina na nagkakahalaga ng isang milyong piso.
Ulat ni: Vic Somintac