Mga katutubo mabibigyan na ng libreng gamot sa ilalim ng Libreng Gamot para sa MASA Program
Makakakuha na ng libreng gamot ang mga katutubo sa mga government hospital sa ilalim ng Libreng Gamot para sa MASA Program .
Ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, naglaan sila ng ₱9.7M na pondo para sa nasabing proyekto at ito ay nagmula sa P1 billion pesos na budget na inilaan para sa DSWD.
Sinabi ni Taguiwalo na maaaring makuha ang mga libreng gamot sa Philippine General Hospital sa Maynila; Jose B. Lingad Memorial Hospital sa San Fernando, Pampanga; Western Visayas Medical Center sa Iloilo City, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City, Southern Philippines Medical Center sa Davao City at Davao Regional Hospital sa Tagum City.
Paliwanag ni Taguiwalo, aabot sa mahigit 4,034 na katutubo ang makikinabang sa naturang benepisyo.
Kabilang din sa programang ito ang mga confined o receiving outpatient na mga katutubo.
Ulat ni : Carl Marx Bernardo
