Mga katutubong Aetas at mga mangingisda ng Bataan, sinerbisyuhan ng PCG

0

Sinuportahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga katutubong Aetas at mga mangingisda ng Bataan sa kanilang misyon ng pagtulong sa ilalim ng kanilang I Care program.

Tinungo mismo ng mga operatiba ng PCG ang Indegenous people at mga mangingisda sa bayan ng Abucay, Bataan.

Ayon kay  PCG Commodore Christopher Meniado, sa ginawang outreach program ay namahagi sila ng essential services sa indegenous people at mga mangingisda, kabilang ang free medical at dental consultation, pamamahagi ng mga food packs, hygiene kits kasama ang feeding program.

Tiniyak naman ng PCG ang patuloy na pagsuporta sa mga mangingisda at kanilang pamilya sa kanilang mga paglalayag sa karagatan ng Bataan kabilang na dito ang Maritime Safety, Security by Fostering partnership at Advancing Humanitarian Initiatives sa coastal at Indand Communities.

Manny De Luna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *