Mga kinatawan ng IPU nakipagpulong kay Senate President Pimentel
Nasa Pilipinas na ang mga kinatawan ng Inter Parliamentary Union Commission on Human Rights para tignan ang kundisyon ni Senador Leila de Lima na kasalukuyang nakakulong sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Kanina, nakipagpulong ang mga kinatawan ng IPU kay Senate Presidente Aquilino Pimentel the III.
Bahagi ito ng kanilang imbestigasyon kung makatao pa ang pagtrato kay de Lima at takbo ng kanyang kaso.
Naalarma ang IPU matapos idulog sa kanila ang kaso ni de Lima.
Plano rin nila itong bisitahin sa Kampo Krame
Una nang inaprubahan ng IPU noong nakaraang buwan ang resolusyon para imbestigahan ang kaso ni de Lima at ang alegasyon ng pagkakasangkot nito sa drug trafficking.
Sabi ni Pimentel, siya ang nag-imbita sa mga taga IPU para makita ng personal ang sitwasyon ni de Lima nang bumisita siya sa Bangladesh.
Wala naman hininging anumang pabor o impormasyon ang mga ito habang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Pagtiyak ni Pimentel, hindi dapat mabahala ang IPU dahil may umiiral namang due process na ginagarantiyahan ng saligang batas.
Ulat ni: Mean Corvera
